Para sa akin na aktibista na nakikibaka laban sa ano mang uri ng diskriminasyon lalong lalo na sa homophobia, ay lubos na nalulungkot at nangangalit sa ilang mga racist remarks na lumabas sa blog mo Anton.
Sana kasi maliwanag sa iyo na maraming grupo ng tao kasama na dito sa Pilipinas at sa ating pamantasan na humaharap sa napakaraming porma ng diskriminasyon araw-araw ng kanilang buhay, at ang lahat ng iyon ay hindi katangap-tangap. Maaaring magsimula ang diskriminasyon kung tinatampok ang isang grupo bilang tampulan ng katatawanan, pinagmumulan dapat ng muhi, o dili kaya ng intriga. Sa mga nabangit na iyan nagsisimula ang pang-aabuso sa mga grupong panlipunan o sektor.
Alam na alam ko ang hirap ng diskriminasyon, dahil buong buhay ko at naming mga bakla ay hinahagupit kami ng iba’t ibang porma ng abuso: mula sa verbal; physical; kasama na ang sexual abuse.
Hindi ko ito ginawa para hiyain ka. Isa itong porma ng paglilinaw sa lahat ng estudyante o kahit sinong nakabasa ng blog mo, na ang mga aktibista ay hindi sumasang-ayon at aktibong maninindigan laban sa anumang tiwali kahit mangaling pa ito sa kanilang hanay. At ang pagpuna na ito ay may layon na gayon.
So ano ang point ko.
v Bilang mulat na kasama at aktibista, kailangan malinaw ang suri at malay sa lipunan o lugar na ginagalawan bago maglabas ng kahit na anong statement na makakasakit o offensive sa isa o higit pang komunidad o grupo.
v Bilang kasama bitbit mo at dala ang pangalan at aral ng mayamang kasaysayan ng aktibismo – aminin mo man o hindi, at ikaw bilang kilalang lider ay associated kaagad sa buong grupo ng mga aktibista; ang gawa ng isa ay replekson sa lahat.
v Bilang aktibista, dapat may kahandaang makinig sa lahat ng panig at tumangap ng puna saan man ito magmula kahit hindi kapwa aktibista ay pinakikingan; at kung kinakailangan mag-wasto matapos ang obhektibong panunuri, gawin yaon ng buong kagalakan.
Marahil nakarating na rin sa iyo ang ilan sa mga puna na pinaabot, at hindi lamang ito patungkol sa racism. Nawa’y magsikhay para iwasto ang sarili, patuloy ang pagtangap ng puna at tuloy tuloy na pagpuna sa sarili.
Bilang pagtatapos ibabahagi ko dito ang isang part ng blog ni levi88 na kung saan ang puna niya sa mga aktibista ay sa tingin ko kailangan seryosohin dahil nagpapakita ito ng isang obserbasyon kung paano pa natin pasisikhayin ang gating pakikibaka para sa mga estudyante at sa bayan:
People have a tendency to generalize: I'm guilty of it, you're guilty of it, and most important of all, the student body is guilty of it. If you keep railing off at every little issue at hand, you'll quickly wear out the patience of the UP populace, and within a few years or even sooner, the student body will generalize and the value of your words will be zilch. I don't mean this as a threat. I mean this as a warning. In fact, this is the very thing I don't want to happen. I don't want your words to mean nothing. I don't want people to stop listening to you.
Why? Because when the time comes that you have something very very important to say, people won't listen. You end up as white noise. The sound of the TV as one falls asleep. The voice of an irate mother ranting endlessly. So I'm telling you this so you don't end up as white noise. So people won't ignore you when it counts.
I'm not saying that you should stop rallying and demonstrating. I'm saying you should choose what to rally and demonstrate about. I'm sure all those issues you want to tackle are important—why else would you want to address them? But there are some issues that are more pressing and more relevant, and those are the issues you should press. By doing so, you give more weight to the few objections you forward, and more strength to your cause.
Don't be like the boy who cried "wolf". Be the boy who people will listen to when there actually is a wolf.
http://levi88.multiply.com/journal/item/122/A_Bit_of_Advice_for_Activist_Groups_in_General